DALAWANG hindi pa nakilalang lalaki ang natagpuang patay sa Cavite City kaninang madaling-araw.
Hinalang biktima ng salvaging ang dalawa na tinatayang nasa edad 16 hanggang 18.
Ang dalawa ay pawang nakagapos ang mga kamay at tadtad ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Ayon sa mga residente sa lugar, nakita na lang nila ang dalawang lalaki na itinapon sa Congressional road, nasabing lungsod.
Inaalam na ang pagkakakilanlan ng dalawa. Gina Roluna