Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 German tourists bihag ng Abu Sayyaf

$
0
0

BIHAG ng bandidong Abu Sayyaf (ASG) ang dalawang German tourists na nawawala sa karagatan ng Palawan at Sabah, Malaysia noon pang Abril.

Nabatid na sila Stefan Victor Okonek, 71, at Herike Diesen, 55, ay napasakamay ng bandidong grupo mula sa karagatan ng Bataraza, Palawan noong pang Abril 26.

Ayon sa ulat ng Intelligence Community, ang dalawa ay galing sa island-hopping sa Mindanao at pabalik na sana ng Sabah mula sa Palawan.

Sa impormasyon, buhat sa ilang opisyal ng intelligence na nakabase sa Maynila, hindi nila alam kung mayroong nagaganap na negosasyon hinggil sa pagpapalaya ng mga nabanggit na turista.

Ayon naman kay Military Spokesman Lt. Colonel Ramon Zagala, ang mga turistang Aleman ay hawak ng grupong Murphy Ambang Ladia alias Haji Gulam, mga dating kasapi ng Moro National Liberation Front o MILF. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>