SOLSONA, ILOCOS NORTE – Nagpaalam mula sa text message ang 18-anyos na dalaga bago magbigti sa Barangay Puttao sa nasabing lalawigan kahapon, August 13.
Kinilala ni Solsona Police Chief Sr. Insp. Leonardo Tolentino, ang biktima na si Rovelyn Remigio, ng Barangay Bulangon, Laoag City.
Sa imbestigasyon, nagtungo umano ang biktima sa bahay ng kapatid sa Barangay Nagpatpatan, sa Solsona noong nakaraang Sabado.
Kahapon, sinabi ng kapatid nito na nagtungo ang biktima sa kagubatan ng Barangay Puttao.
Bandang hapon, nakita ang biktima na nakabigti sa isang puno ng isang Arnel Arellano, isang magsasaka.
Ayon sa Scene of the Crime Operative (SOCO), nakita nila ang isang suicide note sa cellphone ng biktima.
Inaalam ng ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalagita. Allan Bergonia