ALAMINOS, PANGASINAN – Dahil sa pag-overtake, isang tricycle driver ang dead-on-the spot sa Alaminos, nasabing lalawigan.
Kinilala ang biktima na si Moniko Gindaway, ng nasabing bayan habang ang bus driver ay si Ernesto Opsiano.
Sa imbestigasyon ng Alaminos police, binabaybay ng suspek ang national highway ng siyudad nang biglang nag-overtake ang tricycle na minamaneho ng biktima na hindi agad napansin ni Opsiano.
Pumailalim ang biktima sa ilalim ng bus dahilan para napisak ang ulo at katawan nito. Allan Bergonia