ISANG kotse ang bumagsak mula sa multi-level parking sa harap mismo ng OB Montessori Greenhills alas-4:00 ng hapon kanina sa San Juan.
Kinumpirma ng San Juan Police na nadaganan ng bumagsak na puting kotse ang ilang sasakyan sa parking area ng Greenhills Shopping Center.
Agad naman itong tinakpan ng tarpaulin ng mga guwardya.
Sa inisyal na imbestigasyon, isang 73-anyos na lalaki ang sakay ng bumagsak na sasakyan. Gina Roluna