ISANG rape-slay victim ang natagpuang patay at palutang-lutang sa isang sakahan sa Calumpit, Bulacan.
Sa ulat, hinalay at pinatay ng hindi batid na bilang ng mga suspek noong Huwebes, Agosto 14, 2014 ang biktimang si Anria “Anne” Galang Espiritu, 26, na nagtamo ng 21 saksak sa leeg at mga saksak sa batok na hinihinalang dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Narekober ang biktima na wala nang suot na panty at natagpuan malapit sa pinangyarihan ang isang screwdriver at kadena na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.
Mga bangag umano sa droga ang mga suspek dahil sa brutal na pagpatay kay Anria.
Kumalat ang balita nang may makakita sa biktima na ipinost naman agad sa Facebook.
Isang malapit kay Anria ang gumawa ng fanpage na may pangalang “Justice for Anria Galang” na mayroon nang 22,000 likes.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa karumal-dumal na krimen. Fleur Angeli Salamida