Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 timbog sa drug operation sa Cavite

$
0
0

NASAKOTE ng mga awtoridad ang pitong katao sa inilunsad na operasyon sa bahagi ng Phase 3, Parklane Subdivision, Barangay San Francisco, Gen. Trias,Cavite.

Ayon kay Region 4-A regional police director C/Supt. Jesus Gatchalian, nahulihan ng illegal drugs ang mga naarestong katao na nakuhanan pa ng mga armas at bala.

Kinilala ni Gatchalian ang mga naaresto na sina Jhefree Tingzon Capili; Perlita Ludovico Pija, 26; Carmelita Ludovico Pija, 60; Alfredo Ludovico Pija, 37; Rodrigo Ludovico Pija, 37; Lira Islana Boragay, 24;  at Fernando Calawod Pija, 39.

Sinabi ng mga awtoridad na anim na transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 grams at may market value na P200,000.00 ang narekober sa mga suspek.

Bukod sa shabu, isang granada, dalawang cal. 45 pistol at cal. 357 revolver kasama ang mga live ammunitions ang nakumpiska sa mga naarestong katao.

Nakakulong na sa Gen. Trias Municipal Police Station ang mga suspek. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129