PATAY ang tatlong kamag-anak ni Pope Francis matapos masangkot sa car crash sa Argentina.
Ang mga namatay ay ang dalawang grand nephew ng Santo Papa kasama na ang ina ng mga bata.
Ayon kay Cordoba police spokeswoman Carina Ferreyra, ang kotseng minamaneho ng pamangkin ni Pope Francis na si Emanuel Horacio Bergoglio, 35, ay bumangga sa isang truck sa highway sa Cordoba.
Sa ngayon ay nasa kritikal na kalagayan pa si Emanuel habang patay naman ang kanyang asawa na si Valeria Carmona, 35, ang kanyang anak na si Jose Bergoglio, walong-buwang gulang at Antonio Bergoglio, dalawang-taong gulang.
Si Pope Francis, o Jorge Mario Bergoglio ay tubong Argentina, kung saan dito na siya na-ordain bilang Roman Catholic priest noong 1969. Marjorie Dacoro