Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Presidente ng TODA tinadtad ng bala, utas

$
0
0

TINADTAD ng bala ang katawan ng presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association sa bayan ng Manaoag, Pangasinan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Agad namatay ang 45-anyos na si Rolando Malagayo, ng Barangay Pantal sa nasabing bayan.

Napag-alamang patungo ang biktima lulan ng kanyang tricycle sa barangay Poblacion nang barilin ng riding-in-tandem na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Nagtamo ng matinding tama ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng bala mula sa cal. 45 na baril na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril kasabay ng pagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga nakatakas na suspek.

Samantala, napag-alaman din na nabiktima na rin ito ng pamamaril noong nakaraang taon dahil sa away sa trapiko. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129