Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bahay inararo ng trak, 3 patay

$
0
0

BINMALEY, PANGASINAN – Patay ang tatlong katao matapos araruhin ng trak ang loob ng kanilang bahay.

Kinilala ng Binmaley police ang mga biktima na sina Doria Arzadon De Leon; live-in partner nito na si Galileo Caladiao at Victoria Cortez, ng nasabing bayan.

Samantala, ang truck driver ay si Jaime de Guzman.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang trak kaya inararo ang bahay ng mga biktima.

Kasalukuyang nagluluto naman ang mga biktima ng mangyari ang insidente.

Pumailalim ang mga biktima sa trak at nagtamo ng mga basag sa ulo at mga bali-baling tubo sa katawan.

Si De Guzman ay nahaharap sa kasong triple reckless imprudence resulting to homicide at nakakulong na sa Binmaley police detention cell. Allan Bergonia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>