ISANG biktima ng salvage ang basta na lang itinapon sa Bgy. UP Campus, Diliman, Quezon City kaninang madaling-araw, Agosto 20.
Inilarawan ang biktima na nasa 30 – 40-anyos, 5’4 ang taas, naka-puting t-shirt at puting pantalon, maputi ang balat at katamtaman ang pangangatawan
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ng isang Jay Delos Reyes ang bangkay ng biktima sa Pook Arboretum, Bgy. UP Campus, Diliman, QC alas-4:30 ng umaga.
Agad itong ipinagbigay-alam ni Delos Reyes sa security guard ng UP Technohub na si James Bryan Sapan.
Natagpuan ang biktima na binalutan ng packaging tape ang ulo at dalawang mga kamay.
Sa isinagawang pagsisiyasat sa biktima, nakita ang sugat sa leeg nito at sa kaliwang bahagi ng dibdib.
Patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng biktima. Santi Celario