Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

HR officer kinasuhan sa ‘sex for job’

$
0
0

PAKING pasasalamat ng mga nabiktima nang nagpakilalang human resource (HR) officer ng 168 Allegro sa lungsod ng Iloilo na nasibak na ito sa trabaho matapos ang ginawang pananamantala sa kanila.

Ayon kay Atty. Christopher Espera, legal counsel ng establisyemento, inihayag nito na matapos marinig ang reklamo sa himpilan laban sa kanilang empleyado, kaagad silang nagsagawa ng imbestigasyon.

Nakumpirma na ang kanilang information technology (IT) personnel na nagngangalang Joven Jadan ang tinutukoy ng mga nagrereklamong aplikante na nanamantala sa kanila.

Ayon sa abogado, matapos makumpirma sa kanila ang isinagawang imbestigasyon na totoo ang reklamo ng mga aplikante, kaagad nilang inihanda ang notice of termination sa kanilang empleyado ngunit nag-AWOL na ito o hindi na nagpakita pa sa trabaho.

Nakahanda naman ang establisyemento na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagsampa ng kaso laban dito. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>