NABASAG ang ulo at mukha ng isang magsasaka nang hatawin ng airgun ng kanyang manugang sa Ilocos Sur.
Namatay noon din sanhi ng tinamong pinsala ang biktimang si Cesar Cambe, 47, habang nakaditine na ngayon sa Narvacan Municipal Jail ang suspek na si Marvin Pascua, 28, tubong Santol, La Union pero magkasama sa isang bahay sa Barangay Lungog.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:45 kaninang umaga sa tapat ng bahay na kapwa tinutuluyan ng magbiyenan.
Bago ito, nagtalo ang magbiyenan habang pauwi mula sa pagdalo sa isang birthday party ng kanilang kapitbahay.
Para makaiwas sa gulo, nauna nang umuwi ang biktima pero sa hindi malamang dahilan ay lumabas muli ng bahay at nakasalubong ang suspek.
Muli na namang nagtalo ang magbiyenan at sa gitna nito ay pinaghahampas na ng suspek ang kanyang biyenan sa ulos at mukha. Robert Ticzon