SIMULA bukas ng madaling araw Enero 3, muling paiigtingin ng lahat ng mga rebolusyonryong pwersa ng New People’s Army at milisyang bayan sa rehiyong Bikol ang opensibang postura laban sa Armed Forces of the Philippines.
Ito ayon kay Greg Bañares, tagapagsalita ng National Democratic Front-Bikol ay sang-ayon sa desisyon ng Komite Sentral ng Communist Party of the Philippines na paikliin ang idineklarang ceasefire o tigil putukan mula Disyembre 20 hanggang mamayang hating alas 11.59 ng hatinggabi, Enero 2, 2013.
Ayon kay Bañares, “Ito ay wasto at nararapat na hakbang sa harap ng pag-alipusta at di pagsunod ng gobyernong Aquino sa kasunduan ng GPHL at ng NDFP noong Disyembre17-18 na parehong magpatupad ng ceasrefire mula Disyembre 20, 2012 hanggang Enero 15, 2013 upang lumikha ng paborableng kondisyon sa pagtutuloy ng usapang pangkapayapaan ngayon buwan ng Enero.
Habang mahigpit na sinusunod ng ng NPA at milisyang bayan ang idineklarang ceasefire, walang pakundangan namang nilabag ng AFP at PNP ang sarili nilang idineklarang ceasefire sa pamamagitan ng mga operasyong pagtugis sa mga rebolusyonaryong pwersa at mga operasyong’peace and development’ laban sa mga komunidad ng mamamayan sa araming lugar sa kanayunan sa ng Bikol, ayon kay Bañares