Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tigil-putukan sa pamahalaan, kinansela na ng CPP

$
0
0

PORMAL ng kinansela kahapon ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang idineklarang tigil-putukan sa pamahalaan.

Sa isang kalatas, sinabi ng Komite Sentral ng CPP na tinatapos na nito ang pansamantalang tigil-putukan sa Armed Forces of the Philippines simula kaninang madaling araw, araw ng Miyerkules.

“Ipinapabatid ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas sa lahat ng kumand at yunit ng Bagong Kukbong Bayan at ng milisyang bayan na ang kautusan sa pansamantalang tigil-putukan na inilabas noong Disyembre 20, 2012 ay matatapos ngayong 2359H, Enero 2, 2012 sa halip na sa Enero 15,” pahayag pa ng CPP.

Dahil dito, inaasahang titindi na ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at ng militar sa kanayunan.

Ayon sa mga rebelde, inilabas ang deklarasyon batay na rin sa rekomendasyon ng negotiating panel ng National Democratic Front matapos na hindi timuipad umano ang pamahalaan sa kasunduang papalawigin ng Aquino government ang holiday ceasefire hanggang sa January 15, 2013…

Naganap ang kasunduan noong Disyembre 17-18 sa The Netherlands na sinaksihan ni Royal Norwegian Ambassador Ture Lundh.

Ayon pa sa pahayag ng mga rebelde, nagpasya ang PKP na paikliin ang tigil-putukan upang tiyaking hindi malalagay sa disbentaheng posisyon ang lahat ng yunit ng New People’s Army at ng mga milisyang bayan.

Inatasan din ng CPP ang NPA at mga milisyang bayan na agad na bumalik sa opensibong postura at harapin at biguin ang mga kampanya ng panunupil ng kaaway, ipagtanggol ang mamamayan laban sa pasistang pananalakay ng AFP at ng mga armadong ahente ng rehimeng Aquino at isulong ang estratehikong layunin ng digmang bayan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>