NAIUWI na sa kanilang lugar sa Negros Occidental ang bangkay ng 26-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing nagpakamatay sa Kuwait.
Si Lovelyn Semillano ay namatay noong Agosto 2, 2014, may 15-araw pa lamang na nagtatrabaho sa Kuwait na sinasabing tumalon sa building ng agency na kanyang pinag-applyan.
Batay sa impormasyon na ibinigay ng agency, lumayas umano ang OFW sa employer at pumunta sa kanilang tanggapan ngunit ito ay nagpakamatay.
Ayon sa mister nito na si Reneboy Semillano, hindi sila naniniwala na nag-suicide ang biktima dahil ilang araw pa lang ito na umalis at nasa maayos ang pag-iisip nito.
Hiling ng pamilya na maimbestigahan nang maayos ang insidente upang malaman kung ano ang totoong nangyari sa biktima.
Si Semillano ay nakaburol ngayon sa kanilang bahay sa Brgy. Cansilayan Murcia, Negros Occidental at nakatakdang ilibing sa Agosto 30, 2014. Marjorie Dacoro