NAUWI sa isang marahas pananaksak ang inuman ng apat magkakaibigan sa Sampaloc, Quezon.
Nag-iinuman umano sina Michael Allado, Ken Mark Lanceta, John Ray Decembrana at Sunrick Valiente nang magkapikunan ang mga ito dala ng kalasingan.
Bigla na lamang umanong bumunot ng patalim sina Allado at Lanceta saka tinarakan sina Decembrana at Valiente.
Agad namang naisugod sa ospital ang dalawa habang agad tumakas ang mga salarin na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa. Marjorie Dacoro