Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-asawa pinagbabaril, lalaki todas

$
0
0

PATAY ang isang 50-anyos na lalaki habang sugatan ang ka-live-in nito nang barilin ng ‘di nakilalang suspek habang nakasilong sa isang lugar dahil sa lakas ng ulan sa Quiapo, Maynila kagabi.

Dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Eduardo Manoloto, may-asawa, ng 920 Migueli St., Sampaloc, Manila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inoobserbahan naman sa  Ospital ng Maynila si Rosie Guinto, 36, live-in partner ni Manoloto, ng nasabing lugar, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na armado ng ‘di nabatid na baril at tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:30 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa isang barong-barong sa panukulan ng Nepomuceno at Arlegui Sts., Quiapo, Maynila.

Nauna dito, naglalakad ang dalawa patungo sa isang lugar kung saan umano may kakatagpuin subalit biglang inabutan ng malakas na ulan kaya sila sumilong sa isang barong-barong nang lapitan sila ng suspek saka pinagbabaril.

Agad isinugod ng mga rumespondeng tanod si Manoloto sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nagpahatid naman sa taxi patungong ospital si Guinto na kasalukuyang ginagamot.

Inaalam pa ng pulisya kung anong motibo sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>