Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mister na ipinakulong ng misis, nagbigti

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang bilanggo sa loob ng kanyang selda matapos magbigti sa Garchitorena, Camarines Sur.

Ayon kay PS/Insp. Stephen Cabaltera, natagpuang nakabitin ang biktimang si Emitrio Baylon, 48, gamit ang kanyang shorts sa loob ng banyo ng lock-up cell ng PNP-Garchitorena.

Pakakainin na sana ni Cabaltera ang biktima nang mapansin niyang nakabitin ito at patay na.

Agad namang humingi ng tulong ang hepe sa mga barangay officials sa lugar at tinawagan ang pamilya ng biktima para ipaalam ang nangyari.

Nabatid na mismong ang asawa ng biktima ang nagpakulong dito dahil sa palagiang panggugulo at pagwawala.

Hindi inaasahan ng misis ng biktima na ito rin ang magtutulak sa kanyang mister upang tapusin ang kanyang buhay.

Dalawang beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima bago pa ang pangyayari. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>