Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binatilyo tinarakan sa harapan ng kasamang bebot

$
0
0

KRITIKAL ang isang binatilyo matapos saksakin sa harap mismo ng kanyang kasamang babae ng dalawang nakamaskarang suspek kaninang madaling-araw sa Bgy. Northbay Boulevard North, Navotas City.

Ginagamot pa sa Tondo Medical Center  (TMC) ang biktimang si Reynaldo Roque, ng Alumahan St., Blk 15, Lot 8, NBBN, nasabing lungsod sanhi ng malalim na saksak sa tiyan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakilalang suspek.

Sa salasay ng saksi na si Ma. Ivy Catherine Balena, magkasama silang naglalakad ng biktima nang salabungin ng mga suspek at isa rito ang bumunot ng patalim saka inundayan ng saksak  ang una.

Inaalam na ang motibo sa pananaksak. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>