Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mall, condo builder tinarget ng ‘bomb suspects’

$
0
0

NATUKLASAN ng awtoridad na magtatanim pa ng bomba sa Mall of Asia (MOA) at main office ng kilalang real estate developer o tagagawa ng condominium sa Makati City pero hindi na natuloy matapos maaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Pinalawak pa ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang saklaw ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa nabigong car bomb attempt sa NAIA terminal 3.

Napag-alamang maliban sa apat na reserve military officers na suspek na kinabibilangan ng isang Grandeur Guerrero, aalamin din ng NBI kung may ibang personalidad na sangkot sa tangkang pagpapasabog.

Sinabi ni NBI director Virgilio Mendez, may gagawin pang follow-up operations at inaasahang ilalabas ang buong detalye ngayong umaga.

Hindi pa naman masabi ng NBI kung terror attempt o destabilisasyon ang motibo nang itinanim na improvised explosives device (IED) sakay ng Toyota Revo sa carpark ng terminal 3 dahil sa pagkatao ng mga suspek, dokumentong na-recover na nagsasabing mahina ang posisyon ng gobyerno ng Pilipinas sa West Philippine Sea laban sa China.

Inihayag daw ng isang suspek na ‘wake-up call’ ang kanilang ginawa para palakasin ang claim sa pinagtatalunang mga teritoryo sa China.

Sa ngayon, balik-normal na ang operasyon sa NAIA at hinigpitan ang seguridad ng Aviation Security Group. Johnny Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>