Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot todas sa riding-in-tandem sa Novaliches

$
0
0

TIGBAK ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem na naka-bonnet sa Quezon City kagabi, Setyembre 1, Lunes.

Kinilala ang biktima na si Edwardo Vitangcol, ng Pascual St., Sitio Ibayo 2, Brgy. Bagbag Sauyo, Novaliches, QC.

Blangko naman ang otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang naka-bullcap.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa Sitio Ibayo 2, Bgy. Bagbag, Novaliches, QC dakong 7:30 ng gabi.

Nabatid sa ulat na nakatayo ang biktima sa kanto nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Mula dito, nilapitan ng mga suspek ang biktima at pinagbabaril saka tumakas.

Narekober sa lugar ang 12 basyo ng 9mm. na baril. Santi Celario/photo by: Ivan Gaddia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>