MAHIGPIT na binabantayan ng mga awtoridad ang Clark International Airport sa Pampanga matapos ang tangkang pambobomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, noong Lunes.
Ipinag-utos na ni Victor Jose Luciano, Pangulo at Chief Executive Officer ng Clark International Airport Corporation sa CRK Security Department na maging alerto upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Lahat umano ng mga sasakyang pumapasok at pumaparada sa CRK ay iinspeksyunin araw at gabi sa tulong ng mga bomb-sniffing dog.
Mahigit 1.2-milyong pasahero ang kapasidad ng nabanggit na airport kada araw. Johnny Arasga