BINUO na ng Quezon City Police District (QCPD) ang ‘Task Force Medrano’, para tutukan ang kaso ng pagpatay kay Chief Insp. Roderick Medrano.
Sinabi ni QCPD Director Richard Albano na pamumunuan ito ni Police Senior Supt. Procopio Lipana, ang Deputy District Director for Operations ng QCPD.
Noong Lunes ng umaga ay pinaulanan ng bala ng dalawa sa mga suspek ang sasakyan na minamaneho ni Chief Insp. Roderick Medrano sa panulukan ng San Diego Drive at Zabarate Rd. sa Novaliches.
Binigyang-diin ni Albano na kailangang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito.
Ayon kay S/Insp. Maricar Taqueban, hepe ng Public Information Office ng QCPD, naganap ang insidente sa IBP Road harap ng Civil Service, Brgy. Batasan Hills dakong 2:10 p.m. noong Lunes.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng QCPD para sa ikaaaresto ng mga suspek. Johnny Arasga