DAHIL sa depresyon dulot ng awayan ng kanyang misis, nagpakamatay umano ang isang mister sa Ungka 1, Pavia, Iloilo.
Sinabi ni SPO1 Ronald Jessie Casimirio ng Pavia PNP, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktimang si Jaimie Rebadonia, Jr. na nakabitin sa kanilang bahay.
Bago ang insidente, nag-away ang biktima at misis nito kaya lumayas ang babae.
Sinundo ito ng biktima ngunit hindi ito sumama at kinabukasan, doon na natagpuan ang biktima na nakabigti at wala ng buhay. Marjorie Dacoro