PATAY na nang matagpuan ang isang lalaking nagbigti sa mismong bahay nito sa San Antonio, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rey Manguiat Cola, 32.
Ayon sa asawa ng biktima na si Nenita, nakita niya na lamang na nakabitin sa lubid ang kanyang asawa sa loob ng kanilang silid.
Matagal na umano itong nakararanas ng matinding insomnia o problema sa pagtulog bago nagpatiwakal.
Napag-alaman na nagsabi pa umano ang biktima na mas mabuti nang kitilin ang kanyang buhay.
Nagreklamo na umano ito sa kanya hinggil sa nararamdaman ngunit hindi niya naman sineryoso. Marjorie Dacoro