Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 tulak lagas, 1 huli sa S. Cotabato drug ops

$
0
0

DALAWANG drug pushers ang nalagas nang kumasa sa awtoridad na magsisilbi ng arrest warrant laban sa kanila sa South Cotabato nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 4.

Naisugod pa sa Norala District Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga suspek na sina Saidona Kabel alyas Mike, 26, ng Purok Krislam, Bgy. Simsiman Norala at Edward Julius Brana, 26, ng Purok Manggang, Bgy. Poblacion, Norala, kapwa sa South Cotabato. Nakumpiska sa bahay ni Kabel ang mga sachet ng shabu, isang 357 at dalawang cal. 34.

Isa pa sa mga suspek na si Dennis Mandiano ang nakumpiskahan ng tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalias.

Naganap ang insidente dakong 8 nitong nakaraang Huwebes ng gabi sa Purok Krislam sa Bgy. Simsiman, Norala na kilalang bagsakan ng droga.

Sinabi ni Police Senior Insp. Dennis Madriaga, chief of police ng Norala-Philippine National Police (PNP), na isisilbi ng kanyang mga tauhan kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang arrest warrant laban sa may anim na personalidad na nagtutulak ng droga.

Pero palapit pa lamang sila sa bahay ni Kabel nang pasalubungan agad sila ng mga putok ng baril kaya gumanti naman ang awtoridad at sa maikling bakbakan ay napatimbuwang ang dalawa sa mga suspek.

Isa pang bahay ang sinalakay din na pagmamay-ari ng isang Udzal Kabel at nakuha rito ng isang hand grenade at anim na sachet ng shabu pero nakatakas si Udzal.

Dinala pa sa Norala District Hospital sina Kabel at Brana ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Tinutugis na ang ibang mga nakatakas na suspek. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>