Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

5 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle

$
0
0

ISINUGOD sa ospital ang limang katao matapos magkasalpukan ang dalawang tricycle sa South Centro, Sipocot, Camarines Sur.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ryan San Vicente, 29, driver ng tricycle; Ronel Pucio, 23, driver ng isa pang tricycle; at mga pasaherong sina Ramil Pitallo, 46; Melanie Pitallo, 12, at Ronald Azul, 41.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na binabaybay umano ni San Vicente ang kahabaan ng San Juan Avenue nang hindi sinasadya ay sumalpok ito isa pang tricycle na minamaneho naman ni Pucio.

Tumilapon sa kalsada ang mga pasahero ni Pucio na nagtamo ng multiple physical injury.

Pareho ring nagtamo ng pinsala ang dalawang driver.

Kaagad namang nadala ang mga biktima sa ospital.

Nabatid na nasa impluwensya ng alak sina Pucio at ang isang pasahero nito na si Azul.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyong ginagawa ng PNP-Sipocot kaugnay sa pangyayari. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>