WANTED na sa pulisya ang 30-anyos na lalaki makaraang tangkang gahasain ang siyam na taong gulang na anak ng kanyang live-in partner sa Barangay Poblacion, Sibutad, Zamboanga del Norte.
Kinilala ang suspek na si Vicente Tamparong.
Sa report, alas-7:00 ng gabi nang maaktuhan ng ina ng biktima na si Josephine Molit Prospero ang kanyang ka-live-in na tangkang gahasain ang kanyang anak dahilan kaya agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.
Nakatakas naman ang suspek na ngayon ay hinahanting na ng awtoridad.