Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tagapasahod sa kumpanya, sugatan sa holdap

$
0
0

SUGATAN ang isang messenger matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek bago tinangay ang bag na naglalaman ng pampasahod ng kanilang kumpanya sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Setyembre 12.

Ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng tama ng bala sa kanang hita si Monico Abner, 42, messenger ng Golden Fortune Techno-Built, Inc.

Sa ulat, nakabisikletang galing sa bangko at nag-withdraw ng P1,100,000.00 ang biktima, nang harangin ng suspek sa 6th Avenue ng lungsod.

Binaril sa hita ang biktima bago kinuha ang dalang backpack na naglalaman ng nasabing halaga saka tumakas habang dinala naman sa CMC ang una.

Inaalam na ng pulisya kung may naganap na inside-job sa nasabing insidente dahil alam ng suspek na may dalang malaking halaga ang biktima. RENE MANAHAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>