UBOS ang mga biniling gamit ng isang overseas Filipino worker matapos mabiktima ng akyat bahay habang walang tao sa kanilang bahay sa Caloocan City Linggo ng umaga.
Umabot sa 2,000 Australian dollar halaga ng mga gamit, cash na P3,040 at $60 ang natangay ng mga suspek kay Ma. Loreta Manuel, 45, ng San Marcos, Maypajo ng lungsod.
Nabatid na umuwi ng probinsiya ang buong pamilya ng biktima at dakong alas-6 ng umaga nang magbalik ay natuklasan na napagnakawan ng hindi pa kilalang mga suspek.
Lumalabas na nakaakyat ng terrace ang mga suspek bago binaklas ang jalousie ng bintana hanggang sa makapasok at makapagnakaw.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.