NAKATAKDANG maglabas ng lookout bulletin ang Department of Justice (DOJ) laban sa tatlong Chinese drug lord na sinasabing itinakas mula sa Provincial Jail ng Trece Martirez, Cavite .
Ayon kay hustice Secretary Leila de Lima, inatasan na nito ang Bureau of Immigration o BI na arestuhin sina Li Tian Hua, Wang Li Na at Li Fan Yan sa sandaling sila ay mamataan sa alinmang paliparan sa bansa.
Kinumpirma rin ni de Lima ang ulat na kinausap siya ni Chief Supt. Federico Laciste, directorate for integrated police operations ng Southern Luzon noong 2011 para ipabatid ang pagtatangka noon na itakas ang tatlong Chinese drug lord ngunit hindi natuloy dahil natunugan agad ng mga awtoridad.
Bukas, araw ng Martes ay nakatakda namang makipagpulong si De Lima kay Laciste dahil mayroon umano itong sasabihing sensitibong impormasyon.
Maging ang NBI, aniya ,ay bubuo na rin ng special team para hindi na maulit ang kahalintulad na pangyayari.