Tacurong City, Sultan Kudarat – Kumpirmadong natangay ang matataas na uri ng mga kalibreng baril ng mga rebeldeng grupo nang lusubin ang kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Sa ulat na pinalabas ni P/Supt. Danilo Peralta, provincial director ng North Cotabato, nagpanggap na mga sundalo ang mga rebelde na pinangungunahan ni Kumander Manuel Fernandez, alyas Bubo at Felix Armondia, alyas Jing ng guerilla front 72.
Sa panayam kay Peralta, nilusob ng grupo ni Kumander Bubo ang kampo ni MNLF commander Datu Toks Baklid sa Sitio Lukubi, Barangay Malabuan, sa bayan ng
Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Peralta, naniwala si Datu Baklid na mga sundalo ang pumasok sa kanilang kampo at kinumpiska ang 19 firearms na kinabibilangan ng M 14, baby armalite, 12 gauge shotgun at M79.
Wala namang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga NPA at MNLF.