NAUWI sa trahedya ang masaya sanang pamamasyal at paliligo sa ilog ng magkakaklase sa Dingle, Iloilo, kahapon.
Sa report sa radyo, nalunod at namatay sina Glaiza Mae Biaco at Karen Jean Cabucos, pawang first year student ng Mater Carmeli School sa naturang bayan.
Pinaghahanap naman si Dona Amor Provido habang nakaligtas si Kyla Antonette Parcon.
Ayon kay Parcon, nagkayayaan silang magkakamag-aral na mamasyal at maligo sa ilog.
Ngunit hindi aniya nila napansin na nasa gitna at malalim na parte na sila ng ilog.
Sinabi pa ni Parcon, na walang marunong lumangoy sa kanila.