LA UNION – Pisak ang ulo ng isang walong taong gulang na batang lalaki matapos itong magulungan ng isang truck sa nasabing lalawigan kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the spot ang biktimang si Ismael Subido, ng Barangay Bimmotobot, Baraoas Sur, Naguillan, La Union.
Samantala, ang driver ng truck na may plakang USM-543 ay nakilalang si Efren Palali, 39, ng Bayabas, Sablan, Benguet.
Sa inisyal na imbestigasyon ng La Union Philippine National Police, tinatahak umano ng driver ang barangay road ng Baraoas Sur nang hindi niya mapansin ang naka bisikletang biktima na tumawid ng kasada.
Ayon sa salaysay ng driver, naiwasan umano siya ang bata sa harap ng kanyang gulong ngunit sa likod ng gulong ng truck ay doon tinamaan sa ulo ang biktima.
Pagkatapos ng insidente agad namang sumuko ang driver sa Naguillan police station at sinampahan siya ng reckless imprudence resulting to homicide.