NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Tondo, Maynila Miyerkules ng umaga.
Hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaking biktima na miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik’.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35 hanggang 40, payat, nakasuot ng puting T-shirt at maong pants, may tattoo na ‘R.I.P’ sa dibdib at may ilang tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ayon sa inisyal na ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:50 ng madaling araw nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa harap ng SM Hypermart sa panulukan ng Brgy. 128 Zone 10, District 1 sa nasabing lugar.
Nabatid na nakita ng mga dumaraang residente ang bangkay ng biktima at agad na ipinagbigay-alam sa barangay kagawad na si Danny Tolentino.
Inilagak na ang bangkay ng biktima sa Universal Funeral partlor para sa awtopsiya at safe keeping.