PINAGHAHANAP ang isang bagitong pulis at kasama matapos bugbugin ang nakatambay na binata sa Caloocan City Martes ng madaling araw, Pebrero 27.
Nakilala ang pinaghahanap na sina PO1 Jeru Bernardo Hernandez, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Southern Police District at Mark Gerald Cortez kapwa ng Libis Gochuico ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si Michael Jason Feliciano, 20, ng Eliza st., dakong alas-5 ng madaling araw, nakatambay siya sa Lerma Extension kapwa ng lungsod nang lapitan ng mga lasing na suspek at pagtulungan bugbugin.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktima at nang magamot ay nagsadya sa presinto upang magreklamo.
Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng nasabing insidente.