ISANG lalaki ang tumalon mula sa second floor ng isang mall sa Fairview, Quezon City ngayon lamang.
Nabatid na basta na lamang tumalon ang lalaking inaalam pa ang pagkakilanlan sa second floor ng SM Fairview, dakong alas-4 ng hapon kanina.
Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagtalon ng biktima na ngayon ay patuloy na nilalapatan sa Commonwealth General Hospital.