SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghihipo sa kalugar na dalagita sa Caloocan City, Huwebes ng hapon.
Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Eduardo Rodriguez, 52 ng Padas St., Dagat-dagatan ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang hipuan ng suspek ang kalugar na 16-anyos sa kaselanan.
Nagreklamo ang dalagita sa mga barangay tanod ng Barangay 14 na naging dahilan upang dakpin ang suspek at dalhin sa presinto.