Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Metro Manila nakararanas ng pag-ulan

$
0
0

MATAPOS ang maraming araw na naramdaman ang mainit na panahon maraming residente sa Metro Manila ang nasorpresa sa hindi inaasahang biglang pag-ulan na nagsimula kahapon ng umaga ng linggo.

Umulan kahapon sa Quezon City at Manila, habang bahagya naman sa ilang bahagi ng  Marikina City.

Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala naman silang inaasahang bagyo sa buong bansa bagamat asahan ang manaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila na may pagkulog at pagkidlat.

Ayon sa PAGASA, maari rin ulanin ang ilang bahagi ng Luzon sa Linggo dahil sa patuloy na nakakaapekto ang amihan sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng maulap na may mahinang pag-ulan ang Cordillera at Ilocos, Cagayan Valley at Central Luzon .

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagvi ng bansa ay makakaranas ng  maulap  na kalangitan ang ilang bahagi nito na may manaka-nakang pag-ulan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>