Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drug testing sa drivers, athletes, hinirit ng PDEA

$
0
0

NANAWAGAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga lider ng transport  sector na gawing regular ang implementasyon ng drug-testing gayundin ang mandatory drug testing sa mga atleta sa iba’t-ibang kolehiyo sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., layon ng hakbangin ng ahensiya na mapaalalahanan ang mga drivers sa masamang epekto dulot ng paghitit ng shabu matapos nilang mahuli kamakailan ang dalawang provincial drivers sa aktong tumitira ng shabu sa loob ng isang air conditioned bus sa Muntinlupa.

Dalawang linggo lamang, aniya, ang nakalilipas ng masakote din ng PDEA agents ang isang 49 anyos na driver ng bus na may biyaheng Albay-Cubao habang binebentahan ng shabu ang isang poseur buyer sa isang buy-bust operation sa Tabaco, Albay.

Ani Cacdac, nakababahala na ang mga aksidente sa lansangan na marami ang namamatay na pasahero lalo na sa mga malalayong probinsiya na kinasasangkutan ng mga bus drivers na gumagamit ng iligal  na droga.

Patunay lamang, aniya, na talamak ang gamitan ng iligal na droga ng mga bus drivers dahil sa linya ng kanilang trabaho na kinakailangan nila ang parating gising lalo na sa malalayo at magdamagang biyahe.

Samantala hiniling din ni Cacdac sa mga pamunuan ng unibersidad at kolehiyo na mahigpit  na maiupatuoad ang mandatory drug testing sa lahat ng kanilang mga atleta.

Ito’y kasunod naman sa pagkakadakip ng dalawang varsity players ng FEU na kapwa  naaktuhang humihitit ng Marijuana sa kanto ng CM Recto avenue at Nicanor Reyes sa Manila ng nagpapatrulyang mga pulis .

Hindi lamang, aniya, mga atleta sa larong basketball gayundin sana sa lahat ng manlalaro ng ibat-ibang sports sa paaralan na sumailalim sa drug tests.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129