Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pahinante tinodas ng mag-asawa sa Tondo

$
0
0

MATAPOS ang pagpatay sa 19-anyos na pahinante, kusang loob na sumuko kaninang umaga ang 31-anyos na ginang sa kanilang barangay kagawad, dahil sa krimeng ginawa kasama ang kanyang mister kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Depensa ng ginang na si Rosalinda dela Torre, ng 2112 Raxabago Bato  St., Tondo, ang biktimang si Justine Mangalonzo, pahinante ng 363 Victor Lopez Compound Capulong St., Tondo ang unang may kasalanan kaya nasaksak ng kanyang mister na si Jose Romero dela Torre.

Ayon kay ginang dela Torre, alas-2:00 ng madaling-araw, nang mamataan nito ang biktima, kasama ang dalawa pang lalaki na binabastos ang isang 16-anyos na pipi sa Capulong St., malapit sa tulay ng Raxabago sa Tondo.

Nagalit umano sa ginang ang biktima, at dahil sa lasing ito ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo, hanggang sa umuwi ang biktima at ng magbalik ay armado na ng tubo saka nagawang paluin sa hita ang ginang.

Nakita naman ito ng suspek, kaya siya nilapitan saka inundayan ng saksak.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129