NILAMON ng apoy ang siyam na bahay nang magkasunog sa Sitio Angol, Barangay Manoc-Manoc sa isla ng Boracay.
Ayon sa awtoridad, nagsimula ang sunog sa staff house ng holistic spa sa isla at umabot sa siyam na bahay na pawang gawa sa light materials ang nasunog.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing sunog na agad na narespondehan ng mga bumbero.
Kasalukuyang inaalam pa ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinatayang P240,000 halaga ng ari-arian.