PINAHIGPITAN pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang seguridad sa Tawi-Tawi.
Ang kautusan ng Pangulo ay kasunod nang napaulat na pagtatangka ng ilang katribu ng mga Kiram na pumuslit patungong Sabah.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, katuwang ng Philippine Navy sa pagbabantay ang counterpart nito sa Malaysia.