(UPDATE) Nirapido ng riding-in-tandem ang isang tabloid reporter sa Bacoor, Cavite, Miyerkules ng umaga.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa malaman ang kondisyon ng biktimang si Jun Valdecantos, 47-anyos pero isinugod ito agad sa Bacoor General Hospital sanhi ng tinamong tama ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa isang bisinidad ng Barangay Mambog, Bacoor, Cavite.
Wala pa ring maibigay na kumpletong detalye ang Bacoor police station kung ano ang tunay na nangyari hinggil sa pamamaril kay Valdecantos.
Isa sa sinisilip na motibo sa pamamaril ay ang mga pagbanat nito sa kanyang isinusulat sa diaryo sa ilang tatakbong politko sa Cavite.