MALAKI ang pagasa na mapalaya ang 21 sundalong Pinoy na bihag ngayon ng Syrian rebels.
Ito ang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na makumpirma na hawak ngayon ng Syrian rebels ang tatlong officers at 18 enlisted personnel ng AFP.
Sa isinagawang press conference ni AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos kaninang umaga (Marso 7), sinabi nitong umuusad na ang negosasyon at may pinadala na silang emiosaryo na nakikipag-usap sa rebeldeng grupo upang mapalaya ang mga binihag na sundalong Pinoy.
Giit pa ni Burgos na bisita o guest ang turing ng mga Syrian rebels sa 21 sundalong Pinoy na kanilang hawak ngayon kaya naman pinakakalma nito ang mga mahal sa buhay ng mga bihag.
Batay sa pinakahuling impormasyon, dinala ang mga sundalong Pinoy sa isang ligtas na lugar sa isang bahagi ng Golan Heights.
Nilinaw naman agad ni Burgos na hindi pera ang demands ng Syrian rebels kung hindi ang realignment ng mga Syrian forces sa lugar.