Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-asawang tulak, tiklo ng PDEA

$
0
0

ISANG mag-asawang tulak ng shabu at kabilang sa No. 2 sa listahan na target ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasakote sa katuparan ng search warrant operation sa  Bulan, Sorsogon noong Lunes, March 4, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.  ang nahuling mga suspek na sina Ronnie Lazona, 53 anyos , walang trabaho at Josephine Lazona, 48 anyos at kapwa residente sa Purok Lucban, Zone 2, Bulan, Sorsogon.

Si Ronnie ay ikalawa sa listahan  na kilalang tulak ng shabu sa PDEA Regional Office 5 (PDEA RO 5)  sa Sorsogon, habang ang asawa niyang si Josephine  ay kasama rin sa  watch-list.

Ang dalawa ay hinuli sa pamamagitan ng search warrant na inilabas ni Honorable Adolfo G. Fajardo, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 65 sa Bulan, Sorsogon na ikinasa naman ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 5 sa pangunguna ni Director Archie Grande .

Nakumpiska sa mag-asawa ang may 500  gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa isang plastic bag.

Ayon sa ulat , ang pagtutulak aniya ng mga iligal na droga ang siyang ikinabubuhay  ng pamilya Lazona mula Sorsogon na umabot hanggang sa mga pantalan ng Matnog papuntang Samar at palabas sa pantalan  ng Bulan hanggang sa probinsiya ng Masbate

Nakapiit ngayon ang mag-asawa sa detention cell sa PDEA RO5 matapos kasuhan ng paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165, o kilala sa tawag na  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>