Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Rumaragasang bus swak sa bangin, lola patay, 4 pa sugatan

$
0
0

TODAS ang isa habang apat pa ang sugatan nang sumalpok ang rumaragasang pampasaherong bus sa isang bahay bago bumulusok sa bangin sa Ifugao, Biyernes ng madaling araw, ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang alas 8:00 a.m. na ulat, sinabi ng NDRRMC na naganap ang insidente dakong 5:45 ng madaling araw sa national highway sa Barangay Poblacion sa Alfonso Lista, Ifugao.

Nakilala ang namatay na si Conchita Peralta, 60-anyos, may-ari ng bahay habang isinugod sa Potia District Hospital sa Alfonso, Lista ang mga sugatan na sina Kenept Ogas, Daniel Dangilan, Jane Bagtang, at Grace Dontogan na pawang pasahero ng bus.

Lumabas sa imbestigasyon na bago ang insidente ay tinatahak ng “Potia” bus liner na may plakang BVT-509 na minamaneho ni Edmund Chummac, 32, ang nasabing national highway nang suwagin nito ang bahay ni Peralta habang lumiliko sa pakurbang kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang bus bago nahulog sa isang 200-metrong lalim na bangin, pahayag ng NDRRMC.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting with homicide at 4 counts na serius physical injuries ang tsuper ng bus.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>