Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki ginawang ‘punching bag’ ng pulis at utol

$
0
0

NAGMISTULANG punching bag ang isang 36 anyos na lalaki matapos itong pagtulungang bugbugin ng isang pulis at kanyang utol sa basketball court kagabi sa Tondo, Maynila.

Personal na nagreklamo ngayon sa Manila Police District General Assignment Section ang biktimang si Christopher David, 36, ng  761 Favia St. Tondo, Maynila.

Kinilala naman ang abusadong pulis na si PO2 Jeffrey Laus, nakatalaga sa MPD-PS1, 32 at kapatid na si Jayco.

Ayon sa biktima,  ganap na alas 6:30 kagabi ng dadaan ito sakay ng kanyang motorsiklo sa may basketball court at upang hindi magambala si Laus at utol nito sa paglalaro ng basketball ay huminto muna siya sa paglalakad.

Isang hindi tinukoy na lalaki ang umano ay nagpa-go sa biktima kaya pinaandar niya ang kanyang motorsiklo lulan ang kanyang anim na taong gulang na anak na babae.

Nang nasa gitna na umano ng kalsadang court si Laus, sinabihan umano siyang “para kang di taga Favia “ at sinagot naman niya na “huminto naman ako ah”.

Tinangka umano ng biktima na kausapin ang pulis at pagbaba niya sa motorsiklo ay kaagad siyang sinapak at pinagtulungan ng magkapatid.

“Akala siguro niya e aawayin ko siya, kaya inunahan ako, pano ko gagawin yong e kaangkas ko sa likod yong 6 taong gulang kong anak na babae, marami na ang galit
diyan pati mga bata sa amin binabatukan niya, pulis pa naman siya tapos ganon ang ugali niya,” ayon sa biktima.

Sa Lunes ay nakatakdang magharap ang mga suspek at biktima sa tanggapan ng MPD-GAS upang matukoy ng pulisya ang pananagutan ng bawat isa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>