ABOT na sa 50 katao mula Enero ng taong kasalukuyan ang kinakitaan ng sintomas ng sakit na Chikungunya sa isang bayan sa Batangas.
Kaugnay nito, itinaas na sa outbreak level ang pinaghihinalaang ‘Chikungunya virus’ sa bayan ng Tingloy sa Batangas City.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Emmanuel Obana, nakararanas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, skin rashes at lagnat ang mga biktima.
Kasalukuyang binibigyan ng anti-viral medicines, paracetamol at rehydration liquid ang mga pasyente. Base sa World Health Organization, nakukuha ang virus na Chikungunya sa kagat ng lamok tulad ng sa dengue.